Noli Me Tángere
Juan Crisostomo Magsalin Y Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Elias - bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Don Anastacio o Pilosopo Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego, puno ng gwardiya sibil
Donya Victorina de de Espadaña - babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin
Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang
Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
Pedro - Sugarol at malupit na asawa ni Sisa; ang kanyang kalupitan ay ginagawa din sa anak
Salome - Kababata at lihim na umiibig kay Elias
© Designed by John Paul Elias IX Galatians | UBNHS Batch 2019-2020