Noli Me Tángere
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Padre Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy na nagtuloy siya sa bahay ni Tiago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan Tiago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Padre Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kaniyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Sinigilahan siya ng matinding pagkaawa rito. Ikinuwento ni Padre Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Padre Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Padre Sibyla na si Ibarra ay taong mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa.
Bago umalis si Padre Sibyla, naibalita rin niya na ang tenyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Padre Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Padre Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan.
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Padre Damaso. Sinisi ni Padre Damaso si Kapitan Tiago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kaniya sapagkat siya ang inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at may malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.
Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng baliti.
Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya, takot na takot sa kaniya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.
Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indio. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura pareho ng bayan.
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra, hindi siya ang kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kaniya. Sa kabila ng kabusilakan ng kaniyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.
Si Kapitan Tiago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinayawag na Sakristan Tiago.
Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kaniyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor.
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Padre Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Padre Salvi ay ang Alpares at ang kaniyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kaniyang eposa.
Bagama’t may hidwaan ang alpares at Padre Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.
Ang alpares at Padre Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique.
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.
Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan.
Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kaniyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.
Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kaniyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kaniyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik.
Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.
© 2019-2020 John Paul Elias IX-Galatians. Student in UBNHS.