Kabanata 1: Ang Pagtitipon
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra
Kabanata 3: Ang Hapunan
Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
Kabanata 5: Ang Liwanag sa Gabing Madilim
Kabanata 6: Kapitan Tiago
Kabanata 7: Ligawan sa Asotea
Kabanata 8: Ang mga Alaala
Kabanata 9: Ang Balita Tungkol sa Bayan
Kabanata 10: Bayan ng San Diego
Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
Kabanata 12: Ang Araw ng mga Patay
Kabanata 13: Ang Babala ng Sigwa
Kabanata 14: Tasyo: Baliw o Pilosopo?
Kabanata 15: Ang mga Sakristan
Kabanata 16: Si Sisa
Kabanata 17: Si Basilio
Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa
Kabanata 19: Mga Karanasan ng Isang Guro
Kabanata 20: Ang Pagpupulong sa Tribunal
Kabanata 21: Ang Kasaysayan ni Sisa
Kabanata 22: Ang Liwanag at Dilim
Kabanata 23: Ang Piknik
Kabanata 24: Sa Kagubatan
Kabanata 25: Sa Bahay ni Pilosopo Tasyo
Kabanata 26: Ang Araw Bago ang Pista
Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim
Kabanata 28: Ilang Sulat
Kabanata 29: Ang Araw ng Pista
Kabanata 30: Sa Simbahan
Kabanata 31: Ang Sermon
Kabanata 32: Ang Paghugos
Kabanata 33: Ang Malayang Isipan
Kabanata 34: Ang Pananghalian
Kabanata 35: Ang Usap-usapan
Kabanata 36: Ang Unang Suliranin
Kabanata 37: Ang Kapitan Heneral
Kabanata 38: Ang Prusisyon
Kabanata 39: Si Donya Consolacion
Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas
Kabanata 41: Dalawang Dalaw
Kabanata 42: Ang Mag-asawang de Espadaña
Kabanata 43: Mga Plano
Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi
Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig
Kabanata 46: Ang Sabungan
Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora
Kabanata 48: Ang Palaisipan
Kabanata 49: Ang Hinaing ng mga Inuusig
Kabanata 50: Mga Kamag-anak ni Elias
Kabanata 51: Ang Pagbabago
Kabanata 52: Ang mga Anino
Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kabanata 54: Walang Lihim ang Hindi Nabubunyag
Kabanata 55: Ang Pagkakagulo
Kabanata 56: Mga Sabi-sabi at Pala-palagay
Kabanata 57: Vae Victis o Ang mga Talunan
Kabanata 58: Ang Sinumpa
Kabanata 59: Pagmamahal sa Bayan
Kabanata 60: Ang Kasal ni Maria Clara
Kabanata 61: Ang Habulan sa Lawa
Kabanata 62: Ang Paliwanag ni Padre Damaso
Kabanata 63: Noche Buena
Kabanata 64: Katapusan

KABANATA

45: Ang mga Pinag-uusig


Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.


Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kaniyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik.


Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kaniyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Padre Salvi na nakabaston na may puluhang garing.


Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Padre Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Padre Salvi. Tinanong ni Ibarra si Padre Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kaniyang ama. Sumagot si Padre Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.


46: Ang Sabungan


Si Pilosopo Tasio ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksiyon ang kaniyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.


Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kaniyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kaniyang ina na siya ay magpare. Pero, hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kaniyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kaniyang mga minanang kayamanan.


Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”


Ayon pa sa kaniya, hindi binili ng mga kapitan ang kaniyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.


Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.


Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat noon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.


Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kaniyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.


47: Ang Dalawang Senyora


Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ya hilahod sa hirap.


Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung malalaman ni ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio.


Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kaniya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya’y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang huili sa binanggit ng kapatid.


Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong paslo, na kinuha pa sa kaniya ng hidhid na kura.


Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makauwi silang magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga’t hindi niya naisauli ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero.


Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kaniyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kaniya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinanslaa siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kaniyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring magararo sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Noon ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.


48: Ang Palaisipan


Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kaniyang tirahan mula sa kabayanan.


Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kaniyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito noong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kaniyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kaniyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kaniyang bathala at ang kaniyang mga anak ay anghel.


Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.


Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.


Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kaniyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kaniyang walang pusong asawa.


Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kaniyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.