About Noli Me Tángere


Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas itong madalas tawaging Noli; ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer.


Unang nobela ni Rizal ang Noli Me Tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.


Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.


Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, ang napayapa ang liberal na Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz: "Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon . . . pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... ".

Kahalagahan

Ang nobelang ito at ang sumunod rito, ang El Filibusterismo (o El Fili), ay ipinagbawal sa Pilipinas dahil sa pagpapakita nito ng korapsyon at abuso ng pamahalaan at simbahang Espanya. Halimbawa nito ay si 'Padre Damaso' na sumasalamin sa pangangasawa ng Kastilang kaparian. Sa nobela, nabuntis ni Padre Dámaso ang isang babae. Ilang sipi ang nakapasok sa Pilipinas at nang umuwi si Rizal pagkatapos ng kaniyang pag-aaral ng medisina, nagkaroon siya kaagad ng sigalot sa lokal ng pamahalaan. Unang pinatapon sa Dapitan, inaresto siya sa asuntong rebelyon dahil sa kaniyang mga sulatin. Binaril siya sa Maynila noong 1896 sa edad na 35 taong gulang.


Naging susi ang katha niya na bumuo ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino at isang pag-iisip taliwas sa nakaugaliang rehiyonismo. Ipinakita ng Noli ang iba't ibang elemento ng lipunang kolonyal.





In more than a century since its appearance, José Rizal’s Noli Me Tangere has become widely known as the great novel of the Philippines. A passionate love story set against the ugly political backdrop of repression, torture, and murder, “The Noli,” as it is called in the Philippines, was the first major artistic manifestation of Asian resistance to European colonialism, and Rizal became a guiding conscience—and martyr—for the revolution that would subsequently rise up in the Spanish province.


For more than seventy years, Penguin has been the leading publisher of classic literature in the English-speaking world. With more than 1,700 titles, Penguin Classics represents a global bookshelf of the best works throughout history and across genres and disciplines. Readers trust the series to provide authoritative texts enhanced by introductions and notes by distinguished scholars and contemporary authors, as well as up-to-date translations by award-winning translators.