Kabanata 1: Ang Pagtitipon
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra
Kabanata 3: Ang Hapunan
Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
Kabanata 5: Ang Liwanag sa Gabing Madilim
Kabanata 6: Kapitan Tiago
Kabanata 7: Ligawan sa Asotea
Kabanata 8: Ang mga Alaala
Kabanata 9: Ang Balita Tungkol sa Bayan
Kabanata 10: Bayan ng San Diego
Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
Kabanata 12: Ang Araw ng mga Patay
Kabanata 13: Ang Babala ng Sigwa
Kabanata 14: Tasyo: Baliw o Pilosopo?
Kabanata 15: Ang mga Sakristan
Kabanata 16: Si Sisa
Kabanata 17: Si Basilio
Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa
Kabanata 19: Mga Karanasan ng Isang Guro
Kabanata 20: Ang Pagpupulong sa Tribunal
Kabanata 21: Ang Kasaysayan ni Sisa
Kabanata 22: Ang Liwanag at Dilim
Kabanata 23: Ang Piknik
Kabanata 24: Sa Kagubatan
Kabanata 25: Sa Bahay ni Pilosopo Tasyo
Kabanata 26: Ang Araw Bago ang Pista
Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim
Kabanata 28: Ilang Sulat
Kabanata 29: Ang Araw ng Pista
Kabanata 30: Sa Simbahan
Kabanata 31: Ang Sermon
Kabanata 32: Ang Paghugos
Kabanata 33: Ang Malayang Isipan
Kabanata 34: Ang Pananghalian
Kabanata 35: Ang Usap-usapan
Kabanata 36: Ang Unang Suliranin
Kabanata 37: Ang Kapitan Heneral
Kabanata 38: Ang Prusisyon
Kabanata 39: Si Donya Consolacion
Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas
Kabanata 41: Dalawang Dalaw
Kabanata 42: Ang Mag-asawang de Espadaña
Kabanata 43: Mga Plano
Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi
Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig
Kabanata 46: Ang Sabungan
Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora
Kabanata 48: Ang Palaisipan
Kabanata 49: Ang Hinaing ng mga Inuusig
Kabanata 50: Mga Kamag-anak ni Elias
Kabanata 51: Ang Pagbabago
Kabanata 52: Ang mga Anino
Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kabanata 54: Walang Lihim ang Hindi Nabubunyag
Kabanata 55: Ang Pagkakagulo
Kabanata 56: Mga Sabi-sabi at Pala-palagay
Kabanata 57: Vae Victis o Ang mga Talunan
Kabanata 58: Ang Sinumpa
Kabanata 59: Pagmamahal sa Bayan
Kabanata 60: Ang Kasal ni Maria Clara
Kabanata 61: Ang Habulan sa Lawa
Kabanata 62: Ang Paliwanag ni Padre Damaso
Kabanata 63: Noche Buena
Kabanata 64: Katapusan

KABANATA

21: Ang Kasaysayan ni Sisa


Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kaniyang silid at naupo sa isang silyon. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Mayá-mayá ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.


Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.


Kung nagmasid lámang nang husto sa bahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sino-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi, may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw siláng nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kaniyang nadarama. Si Padre Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.


Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabí, madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.


22: Ang Liwanag at Dilim


Ang katangian ni Kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di-kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taóng gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lámang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang laláki.


Siya ang pinakamayaman sa Binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bílang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kaniyang yaman.


Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensiyadong tao. Siya ay malakas sa mga táong nasa gobeyerno at halos kaibigan niya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo niya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, siya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kaniyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lámang na nasa kaniyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasamba katulad nina Sta. Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de Padua, San Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang banal na mag-anak.


Para kay Kapitan Tiago kahit na ano ang itakda ang mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kaniyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod bálang gobernadocillo.


Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kaniyang sinusonod. Sipsip din sya sa mga táong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi siya mayroong handog na regalo.


Si Kapitan Tiago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa Malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag-aral. Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag isang nangalakal. Nakilala niya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga-Santa Cruz. Natulong sila sa paghahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.


Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si Padre Damaso. Naging kaibígan din nila ang pinakamayaman sa boung San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. dahil sa anim na taon ng pagsasáma sina Tiyago at Pia at hindi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.


Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina San Pascual Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra sr de Salambaw.


Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay nag-iihi, gayuman nagiging masakitin si Pia, nang siya ay magdalantao. Pagkapanganak niya siya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag-anak sa binyag at ang anak in Pia ay pinangalanang Maria Clara bílang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang mag-aruga kay Maria. Lumaki siya sa pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel, kaniyang ama at mga prayle.


Katorse anyos si Maria, nang siya'y ipinasok sa Beaterio de Sta. Catalina. Luhaan siyang nagpaalam kay Padre Damaso at sa kaniyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra, pagkapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag aral.


Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag-iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.


23: Ang Piknik


Kinabukasan, maagang–maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.


Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.


Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malápit na ring ganapin ang pista.


Tinagubilin ni Kapitan Tiago si Maria na sa pagkukuha ng kaniyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa beaterio.


Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.


Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.


Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kaniyang alaala.


Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kaniyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.


Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kaniyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kaniyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kaniyang sumbrerong upang hinda maitiman.


Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kaniyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kaniya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kaniyang mukha.


Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kaniyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.


Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."


Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.


Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina Mahal na Poong San Roque at Mahal na Poong San Rafael.


24: Sa Kagubatan


Ang kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kaniyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kaniyang nahihimlay na diwa ang isang alaala.


Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kaniyang naalala.


Sa patuloy na pagsusuyod ng kaniyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Padre Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong noon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.


Napadaan din siya sa Fabrica de Tabacos de Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako.


Nang madaan siya sa Jardin Botanico saglit na napawi ang kaniyang mga magagandang gunita. Pumasok sa kaniyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinoon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader.


Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kaniyang naging guring pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).